Pagbabago Sa Baguio Sa Ilalim Ng Kolonyalismo At Imperyalismo.
Pagbabago sa baguio sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismo.
Pagbabago sa baguio sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismo.
Bagamat narating ng mga Kastila ang Baguio sa kanilang pananakop, ang mga Amerikano ang may pinakamalaking impluwensya sa pagbabago ng Baguio.
Ang pagkakaroon ng daan patungo dito ay dahil sa pagtitiyaga nila na magkaroon ng bakasyunan mula sa init ng mga lupain sa ibaba. Ang daan na nagawa ay tinawag na Kennon Road mula sa kilalalang namuno ng paggawa nito na si Colonel Lyman N. Kennon.
Matapos nito, isinunod naman ang paggawa ng plano para sa paglalagay ng bayan dito. Ipinaubaya sa arkitekto na si Daniel, Hudson Burnham ang trabahong ito. Ang parke na ipinangalan sa kanya ang sinasabing pinaka magandang lupain sa Baguio noon.
Mula noong dumating ang mga Amerikano sa Baguio noong 1900 hanggang sa ngayon, maalaki na ang ipinagbago ng Baguio, marami ng istraktura ang naitayo dito at malakas ang ekonomiya nito.Walang tigil ang pagdating ng mga turista dito simula pa noong idiniklara ito bilang Summer Capital of the Philippines noong 1904.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment