Bilang Isang Mag Aaral Paano Ka Makatulong Sa Pag Iwas Ng Digmaan?
Bilang isang mag aaral paano ka makatulong sa pag iwas ng digmaan?
Bilang isang kabataan makatutulong ako upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kapayapaan sa ating bansa at pagkakaroon ng pagkakaisa kahit na mayroon tayong ibat ibang paniniwala at kakayahan bilang isang indibidwal. Dahil ang tanging nagiging sanhi ng pagkakaroon ng digmaan ay ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba-iba ng ating paniniwala sa kung ano ang tama at mali. Para sa akin sisimulan ko muna ito sa aking sarili ang unawain ang opinyon ng ibang tao tungkol sa akin. Kapag nagawa ko ito saka ko ibabahagi sa iba na maaari din nilang gawin ito upang mabawasan ang digmaan o hindi pagkakaunawaan.
Comments
Post a Comment