Ano-Ano Ang Kahulugan Ng Bawat Saknong Sa Tulantg Ito? (Bawat Saknong) *For 98 Points For The Right Answer*, Kalupi Ng Puso, Talaan Ng Aking Mga Dinar
Ano-Ano ang kahulugan ng bawat saknong sa tulantg ito? (bawat saknong) *FOR 98 POINTS FOR THE RIGHT ANSWER*
KALUPI NG PUSO
Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talata'y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya't siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala
at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo'y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha'y umapaw…
Anupa't kung ako'y tila nalulungkot
binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko'y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit
dala mo nang lahat ang tuwa ko't hapis;
kung binubuksan ka'y parang lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na
ang lumang pagsuyo'y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita'y mabasa
masayang malungkot na hinahagkan ka…
May ilang bulaklak at dahong natuyo
na sa iyo'y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha'y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso'y nagdurugo.
KALUPI NG PUSO
Sa unang saknong ng tula, inilalarawan ng may akda ang itsura ng kanyang kalupi o diary na pinaglalagyan ng mga alaala ng pagmamahal niya sa kanyang minamahal. Kung saan lagi niya itong tinitingnan sa tuwing naaalala niya ang kanilang matatamis na suyuan.
Ikalawang saknong, inilalahad niya na noong buwan ng Mayo nakilala niya ang kanyang minamahal at dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Ngunit buwan din ng Mayo nagtapos ang kanilang masasayang sandali na magkasama. Kung kayat ang tanging sandalan/talaan ng kanyang mga alaala ay ang kanyang kalupi.
Ikatlong saknong, sinabi niya na makikita sa kaluping kanyang hawak ang mga panahon kung saan maligaya silang magkasama ganoon din ang mga kalungkutan na kanilang napagdaanan. Kung kayat noong hapong iyon ng magunita niya ang kanilang mga nagdaan ay hindi niya maiwasang tumulo ang luha sapagkat ang mga alaala na iyon ay parang kahapon lamang nangyari. Sa tuwi niyang pinagmamasdan ang mga alaalang nakalagay sa kalupi waring ang sakit na kanyang nararamdaman ay nawawala.
Ikaapat na saknong, tumutukoy ito sa lahat ng nilalaman o nakalagay sa kanyang kalupi. Ayon sa kanya, makikita mo sa kaluping iyon ang ligaya at lungkot ng kaniyang nagdaan sa piling ng kanyang nawalang minamahal.
Ikalimang saknong, inilarawan niya dito ang itsura ng bawat pahina ng kanyang kalupi dahil sa matagal na ito halos dilaw na ang kulay ng bawat pahina. Ngunit kahit na ganoon masaya pa rin siya sa tuwing makikita ang lahat ng nakasulat dito.
Huling saknong, mararamdaman dito ang labis na kalungkutan ng persona sa tula tuwing makikita niya ang mga bulaklak na nakatago dito na nagpapaalala ng kanilang matatamis na suyuan at pagmamahalan.
Comments
Post a Comment