Ano Ang Resulta Ng Pag Aalsa Ni Malong At Tapar
Ano ang resulta ng pag aalsa ni malong at tapar
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at pang- aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.
Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Español. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Español. Nagpadala si malog ng mga mensahero sa iba't ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Español sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Español at ipinapatay.
Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan.
Maaari ring sumangguni sa mga sumusunod na link:
Comments
Post a Comment